July 31, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Ipinatutupad ngayon sa munisipyo ng Corcuera Romblon ang “load shedding” o paghahati hati lamang ng natitirang kapasidad ng serbisyo ng kuryente humigit kumulang magtatatlong araw na ngayon dahilan na rin ng problema sa makina sa planta ng National Power Corporation (NPC) sa mismong munisipyo.
Ipinatutupad ngayon sa munisipyo ng Corcuera Romblon ang “load shedding” o paghahati hati lamang ng natitirang kapasidad ng serbisyo ng kuryente humigit kumulang magtatatlong araw na ngayon dahilan na rin ng problema sa makina sa planta ng National Power Corporation (NPC) sa mismong munisipyo. Ang schedule ng brown out ay nagtatagal ng dalawang oras (2hrs) sa bawat lugar bago ito muling pailawin.
Mabilis namang ginagawan ng aksiyon na maresolba ang problema ngNPC sa kanilang makina upang agarang maibalik ang normal na serbisyo ng kuryente sa mga residente ng Corcuera.
Paumanhin po sa lahat ng aming mga miyembro konsumedores hinggil sa bagay na ito. Ito po ay para sa inyong kaalaman. Maraming Salamat po.
ANG TAGAPAMAHALA