July 16, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Puspusan ang isinagawang informational meeting sa Barangay Cobrador Romblon, Romblon noong July 13, 2018 Biernes ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) upang maipaabot sa lahat ng mga residente ang kasalukuyang sitwasyon ng serbisyo ng kuryente.
Puspusan ang isinagawang informational meeting sa Barangay Cobrador Romblon, Romblon noong July 13, 2018 Biernes ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) upang maipaabot sa lahat ng mga residente ang kasalukuyang sitwasyon ng serbisyo ng kuryente partikular ang paghinto ng operasyon ng Solar Hybrid Power Plant at kung bakit nagsasagawa ng load shedding o paghahati hati ng natitirang suplay mula naman sa diesel genset.
Binigyang atensiyon ng Romelco ang clearing sa lugar o paglilinis ng mga sanga ng puno na dumidikit na sa linya ng kuryente. Ang right of way clearing ay mahigpit na isinasagawa ng koop upang maiwasan ang mga line faults pagdating ng tag ulan o masama ang panahon upang maiwasan ang brownouts na sanhi ng “line faults” na puwedeng humantong sa pagkasira ng mga “equipment” gaya ng transformers o mga makina.
Positibo naman ang naging aksiyon ng mga taga Barangay Cobrador partikular ang mga residente ng Sitio Sangat, Suton at Layag. Samantalang ang ilang residente ng Sitio Maracaycay, Nalumos, Cabugaan at Barukan (Ilaya) ay hindi nakarating sa meeting dahil na din sa hindi sila masyadong apektado ng “load shedding” . Ngunit nais iparating ng koop na dapat ay may damdamin ang mga miyembro konsumedores na isabuhay ang kanilang karapatan na makinig sa pa meeting ng kanilang koop ng kuryente, malaman ang tunay na sitwasyon ng sa gayon sila mismo ay makapagbigay ng tamang suhistiyon at pagtimbang sa sitwasyon.
ANG TAGAPAMAHALA