Power Interruption last July 10-11, 2018

July 16, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Kasabay ng pagkamatay at muling pagkabuhay ni Cardo Dalisay sa teleseryeng Ang Probinsiyano ay siya ring pagkawala ng serbisyo ng kuryente sa munisipyo ng Romblon dalawang gabi (Martes at Miyerkules July 10-11,2018) na ang nakakalipas.

 

36978240_2064600210524888_4456962278310281216_n

 

 

Kasabay ng pagkamatay at muling pagkabuhay ni Cardo Dalisay sa teleseryeng Ang Probinsiyano ay siya ring pagkawala ng serbisyo ng kuryente sa munisipyo ng Romblon dalawang gabi (Martes at Miyerkules July 10-11,2018) na ang nakakalipas.

 

Ang dahilan po ng mga hindi inaasahang interapsiyon ng kuryente ay pag “tripped” ng linya ng kuryente o pagkaputol ng daloy ng kuryente sa linya dahil sa pagdikit ng jumper sa mismong tower nito sa planta ng National Power Corporation (NPC) sa Barge nila sa Barangay Bagacay Romblon. Sa madaling salita nagkakaroon ng paggalaw sa linya ng kuryente sa NPC Power Barge dahil sa lakas ng galaw ng dagat o “current” kayat may mga hindi inaasahang pagpatay ng kuryente.

 

Load Shedding

Ang “load shedding” naman ay paghahati hati ng kuryente sa natitirang suplay nito na isinasagawa naman ngayon sa buong Barangay ng Cobrador dahil nagkaroon ng sira ang planta ng Solar Hybrid doon kayat ang diesel genset lang muna ang siyang nagsusuplay ng kuryente sa buong barangay.

 

Isinasagawa din ang load shedding tuwing “peak hour”o oras kung saan halos lahat ng konsumedores ay gumagamit ng kuryente at muling ibinabalik din naman ang serbisyo sa lahat pag lumipas na ang mga oras na ito.

 

Row Clearing

Nagsasagawa din ng malakawang “line maintenance” sa Brgy Cobrador o pag “clearing” ng linya lalong lalo na sa may mga nakasayad na mga sanga ng puno dahil ito ay isa rin sa naging dahilan ng pagkasira ng Solar Hybrid Power Plant. Ang mga linya ng kuryente ay may kinakailangang “clearance” o distansiya sa mga bagay partikular sa mga puno dahil pag ito ay dumikit sa linya ay nagiging sanhi ng “line fault” na nagiging sanhi ng mga interapsiyon lalong lalo na kung masama ang panahon.

 

Ang lahat ng aksiyon upang agarang mabigyan ng solusyon ang lahat ng ito ay mabilis na ipinatutupad upang maibalik ang normal na operasyon sa ating lahat.

 

Ito po ay para sa inyong kaalaman. Maraming Salamat po.

 

36985535_2064600390524870_3238273026126512128_n

 

 

ANG TAGAPAMAHALA