PAGLILINAW (Part 3)

June 29, 2018

 

Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:

 

PAKSA: Sa muli ang paglilinaw na ito ay walang nais na siraing institusyon o tao bagkus gustong bigyang linaw at tamang impormasyon ang lahat.

 

36345285_2049810222003887_4379439686280544256_n

 

PAGLILINAW (Part 3)

 

Ang Wind Turbine Project ay proyekto na gumagamit ng lakas ng hangin na ginagamitan ng makabagong teknolohiya na kung saan ang lakas nito ay ikino “convert” bilang kuryente na pwedeng magamit sa ating mga tahanan. Kabilang ang wind energy project na ito ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) sa mga renewable energy project gaya ng ocean, solar at tidal na ikinukonsidera ng Environmental Management Bureau (EMB) na hindi naglalabas ng mga delikadong usok o fluids na makakasira sa kapaligiran. Kaya po ang ROMELCO ay ginawaran ng Certificate of Non-Coverage (CNC) ng Department of Environmental and Natural Resources (DENR) sa ilalim ng EMB para sa proyekto nitong Wind Turbine Project dahil ito ay purong Rewable Enery lamang ang inilalabas. Hindi po ito katulad ng ibang planta ng kuryente na gumagamit ng mga diesel na gasolina o mga biogas project na sumusunog ng mga waste materials na naglalabas ng usok na nakakasanhi ng polusyon sa kapaligiran. Ang mga plantang naglalabas ng mga maruruming usok at fluids naman ang ginagawaran ng ECC o Environmental Compliance Certificate dahil sa sistema ng kanilang pagprodyus ng mga enerhiya na nakakasanhi ng polusyon sa kapaligiran.

 

Malaki ang pinagkaiba ng dalawang sertipikong ito at iyon ang dapat na ilagay sa isip ng mga nagnanais magbigay ng opinyon sa usapang ito. Sa kabilang banda, kung nabigyan man ang koop ng CNC, hindi ito rason para hindi niya ipagpatuloy ang kanyang nasimulang misyon na mabigyan ng maayos at maaasahang serbisyo ng kuryente ang kanyang mga member-consumers. Higit sa lahat ang sertipikong ito ang nagbibigay lakas upang maging responsable pa ang ROMELCO para sundin ang mga panuntunan ng pamahalaan para sa mga programang ganito, ayusin pa at pagyamanin ang proyektong ito para sa nakararami.

 

Sana po ay nalinawan ang lahat sa usaping ito, gayundin naman nawa ay maging inspirasyon ito sa inyong lahat na pag igihin pa ang pagbibigay niyo ng serbisyo sa inyong nasasakupan kung kayo man ay naglilingkod para sa kapakanan ng nakararami, sa pamamagitan ng pagsasaayos pa ng inyong sistema at teknikal na programa upang hindi maging hadlang sa inyo ang mga pag unlad na nangyayari sa ibang industriya na mas pinagtutuunan niyo ng pansin na dapat mas bigyan niyo ng solusyon at pagtuunan ng atensiyon ang sarili niyong problema.

 

Sa muli ang paglilinaw na ito ay walang nais na siraing institusyon o tao bagkus gustong bigyang linaw at tamang impormasyon ang lahat.

 

Maraming Salamat po.

 

 

ANG TAGAPAMAHALA