June 25, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Noong June 23, 2018 ay binisita ng ROMELCO team ang mga area offices nito sa munisipyo ng Corcuera at Banton at pinulong ang mga kawaning nakatalaga dito upang sa kanila ay muling ipaalala ang tunay na misyon ng koop na maaasahang serbisyo ng kuryente.
AREA INSPECTION AND MONITORING
Sa mga kawal ng pailaw, bawal ang salitang bukas na lalo na sa mga bagay na kailangang gawin at aksiyon na. Ang Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) sa pangunguna ni GM Rene Fajilagutan ay hindi nagpapahinga sa kanilang gawain at responsibilidad na masigurong maayos at ligtas ang pagbibigay serbisyo ng kuryente sa nasasakupan nito.
Noong June 23, 2018 ay binisita ng ROMELCO team ang mga area offices nito sa munisipyo ng Corcuera at Banton at pinulong ang mga kawaning nakatalaga dito upang sa kanila ay muling ipaalala ang tunay na misyon ng koop na maaasahang serbisyo ng kuryente. Binigyang diin din ni GM Rene Fajilagutan ang pagpapakita nila ng dedikasyon sa trabaho at pagbibigay ng mataas na pagrespeto sa mga member consumers na siyang tunay na boss ng mga kawani ng koop. Ang pagbisita ay hindi lamang upang maiparating ng management ang misyon nito sa kanila kundi upang mapakinggan din ang kanilang mga suhestiyon upang lalong mapabuti pa ang serbisyo ng Romelco sa bawat munisipyo na kabilang sa coverage area nito. Kasama sa pagbisita ang Institutional Manager ng Romelco na si Mr. Peter Morante, Technical Manager Engr Basilio Diaz, Operation and Maintenance Head Engr Dimar Sy, HR/Admin Officer Ms Mary Ann Tumanon at Info Officer Alma Regala.
Pinuntahan din ng hukbo ang mga linya ng kuryente partikular ang mga bagong rehab sa lahat ng barangay sa munisipyo ng Corcuera upang masigurong maayos ito at ligtas. Ang mga opisina ng koop sa munisipyo ay pinagtuunan din ng pansin na mapanatiling maayos at malinis gayundin ang mga empleyado. Nagkaroon din ng pre orientation sa mga representante ng Multi Sectoral Electrification Advisory Council (MSEAC) sa Corcuera na ibinigay naman ni Info Officer Alma Regala sa pangunguna ni ISD Manager Peter Morante preparasyon sa pagdating ng mga opisyal ng National Electrification Administration (NEA) sa July 2018.
Ang mga ganitong monitoring ng Romelco ay palaging isinasagawa upang mapanatiling maganda at tama ang pagbibigay serbisyo ng kuryente ng mga kawani sa kanilang mga areas na siyang pangunahing misyon ng Romelco sa kanyang mga member consumers.
ANG TAGAPAMAHALA