June 23, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Apat na panibagong Hydro Power Plants ang muling niluluto ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) para sa isla ng Sibuyan sa mga munisipyo ng Cajidiocan at Magdiwang para madagdagan pa ang supply ng kuryente sa buong isla.
ADDITIONAL HYDRO POWER PLANTS
Apat na panibagong Hydro Power Plants ang muling niluluto ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) para sa isla ng Sibuyan sa mga munisipyo ng Cajidiocan at Magdiwang para madagdagan pa ang supply ng kuryente sa buong isla. Kamakailan lamang ng Mayo 24, 2018 ay tinipon ng ROMELCO ang buong team ng maniniliksik upang masimulan ang pag aaral sa apat na bagong site ng hydro.
Sinimulan na ang teknikal na pag aaral ng pangunguha ng pang araw araw na datos gaya ng taas ng tubig sa mga sites. Nagsagawa na din ng massive information dissemination sa mga residente ng barangay na pagtatayuan ng mga bagong power plants at naging positibo naman ang tugon ng lahat kaagapay ang kanilang mga suhestiyon upang mas mapaganda pa ang proyekto. Ang mga barangay na pagtatayuan ng mga hydro ay Barangay Lumbang Este at Weste, Barangay Danao, Brgy Cantagda sa Cajidiocan at Brgy Silum sa Magdiwang. Sa munisipyo naman ng Romblon ay pinagplaplanuhan din ang Barangay ng Sablayan kung saan may malaking source ng tubig doon.
Ang ROMELCO ay hindi tumitigil sa pagbuo ng mga proyektong makakatulong pa sa mga membe-consumers sa darating pang panahon. Ang punong tagapamahal ng koop na si GM Rene Fajilagutan ay hindi lamang binigyan ng pansin ang kasalukuyang pangangailangan ng member-consumers para sa serbisyo ng kuryente kundi ang panghinaharap pa na magiging katayuan nito.
ANG TAGAPAMAHALA