June 15, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Ikinasa na ng National Electrification Administration (NEA) ang Seminar-Workshop sa Customer Satisfactory Survey (CSS) para sa Association of Southern Tagalog Electric Cooperative (ASTEC) noong June 14, 2018 sa NEA-HESA Auditorium Diliman Quezon City.
Ikinasa na ng National Electrification Administration (NEA) ang Seminar-Workshop sa Customer Satisfactory Survey (CSS) para sa Association of Southern Tagalog Electric Cooperative (ASTEC) noong June 14, 2018 sa NEA-HESA Auditorium Diliman Quezon City. Ang seminar na sinimulan na ng NEA sa ibang mga koooperatiba ng kuryente na nasa ilalim ng pamumuno nito sa buong bansa ay naglalayong mabigyan ng atensiyon ang ilang suliraning ng mga member-consumers sa kuryente hinggil sa serbisyo ng koop sa kanilang mga lugar. Layunin din ng pagtitipong ito na magkaroon ng maayos at mabilis na sistema sa pagbibigay aksiyon ng mga koop sa mga kinakaharap na sitwasyon at problema ng mga member-consumers.
Pinangunahan ni Institutional Manager Peter Morante ang ROMELCO Team sa seminar na ito kasama ang kanyang Complaints Officer Elaine Sim Information Officer Alma Regala at Cashier/Teller ng ROMELCO Magdiwang Area Office na si Michelle Alvaran para sa magiging hakbang nito na mabigyan ng katuparan at agarang aksiyon ang kaayusan ng serbisyo ng koop sa kanyang nasasakupan.
ANG TAGAPAMAHALA