April 18, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Ang serbisyo ng kuryente sa munisipyo ng Corcuera, Romblon ay bente-kuwatro oras (24-hrs) na pong magbibigay ng serbisyo sa lugar.
Nais ipaalam ng pamunuan ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) na simula sa araw na ito Abril 18, 2018 ang serbisyo ng kuryente sa munisipyo ng Corcuera, Romblon ay bente-kuwatro oras (24-hrs) na pong magbibigay ng serbisyo sa lugar. Ito po ay dahil na rin sa masusing pagtutok ng ROMELCO na mabigyang daan ang matagal na ring minimithi ng mga residente ng Corcuera na 24hrs na serbisyo ng kuryente kasama din ang pamunuan ng National Power Corporation na hawak kamay na nagseserbisyo kasama ng ROMELCO. Congratulations at Mabuhay sa mga taga Corcuera! Uswag Simara!!
ANG TAGAPAMAHALA