February 22, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Malawakang Informational Dissemination ang isinagawa ng ROMELCO sa mga Barangay at munisipyo ng Romblon kung saan itatayo ang proyektong “Wind Turbine” noong February 19-20, 2018.
Malawakang Informational Dissemination ang isinagawa ng Romblon Electric Cooperative, Inc (ROMELCO) sa mga Barangay ng Agnay Lonos at Bagacay munisipyo ng Romblon kung saan itatayo ang proyektong “Wind Turbine”. Sinimulan ang meeting sa mga naturang barangay noong February 19-20, 2018 upang agarang maipaalam sa mga residente ang ginagawang proyekto sa kanilang barangay lalong lalo na ang positibong hatid nito sa mga member consumers ng Romelco sa kabuuan. Buong pwersa din ang suporta ng lahat ng mga miyembro ng Board of Directors ng Romelco sa proyekto at aktibo din sila sa pagsali sa mga informational meetings ng koop sa bawat barangay.
ANG TAGAPAMAHALA