December 18, 2017
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Ang bagyong Urduja ay naghatid ng mga pinsala sa linya ng mga kuryente partikular sa mga major lines ng Sabado December 16, 2017 kasagsagan ng pagdaan nito sa probinsya ng Romblon.
Ang bagyong Urduja ay naghatid ng mga pinsala sa linya ng mga kuryente partikular sa mga major lines ng Sabado December 16, 2017 kasagsagan ng pagdaan nito sa probinsya ng Romblon. Nagsimula ang malakas na ulan at ihip ng hangin alas onse ng hating gabi ng araw na iyon hanggan mag umaga ng Linggo December 17, 2017. Ang malakas na hangin at ulan na dala nito ay nagdulot ng mga pagbaha at pagguho ng buhangin o landslide sa ibat ibang bahagi ng munisipyo ng Romblon kung kaya’t ang ilan sa mga poste ng kuryente ay nasama at naputol. Mabilis naman ang naging pag aksiyon ng Romblon Electric Cooperative Inc. (ROMELCO) sa mga napinsalang linya ng kuryente. Sa ngayon, ay prayoridad ng ROMELCO na maayos ang mga “major lines” upang sa gayon maibalik ang kuryente at mabigyan na ng atensiyon ang mga residenteng walang ilaw sa kanilang mga tahanan.
ANG TAGAPAMAHALA