November 14, 2017
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Muling ipinatawag ng ROMELCO ang mga Barangay Electrician nito sa munisipyo ng Romblon partikular ang mga humawak ng NIHE Program ng DOE noong biernes November 10, 2017
Muling pinatawag ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) ang mga Barangay Electrician nito sa munisipyo ng Romblon partikular ang mga humawak ng Nationwide Intensifiction on Household Electrification (NIHE) Program ng Department of Energy (DOE) o libreng instulasyon ng kuryente sa mga walang kakayahang magpakabit ng serbisyo ng kuryente na nakatira sa mga main roads at kabayanan. Ang meeting ay isinagawa sa mismong ROMELCO Headquarters, Brgy. Capaclan Romblon noong biernes November 10, 2017 na pinangunahan naman ng Technical Department at Institutional Services Department ng koop ang pagbibigay ng mga panibagong panuntunan para sa mga darating pang pondo sa ibang barangay at munisipyo. Binigyang diin din sa meeting ang mga teknikal na aspeto ng koneksiyon gayundin ang institusyunal na parte gaya ng mga tamang pangalan ng umaaplay.
ANG TAGAPAMAHALA