September 13, 2017
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Nagkaroon ng Anti Drugs Abuse Council o BADAC seminar workshop noong September 11, 2017

Naimbitahan ang isa sa mga kawani ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) upang maging representante ng koop para sa mga pribadong opisina upang maging isa sa mga miyembro ng Barangay 3 Poblacion Anti Drugs Abuse Council o BADAC kung saan nagkaroon ng seminar workshop noong September 11, 2017 sa ABC Hall Barangay 1 Romblon Romblon. Ang seminar workshop ay pinamunuan ng Department of Interior and Local Government Romblon na pinamagatang “Delineation of Roles of MASA MASID TEAMS, BARANGAY ANTI-DRUG ABUSE COUNCILS AND BARANGAY PEACE AND ORDER COMMITTEE IN THE MASA MASID Program or Mamamayang Ayaw sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Iligal na Droga. Ang naturang seminar ay isang magandang ehemplo sa koop bilang kabahagi ng gobyerno para sa matagumpay na pagpapatupad ng mga programa nito para sa tahimik at maayos na komunidad ng koop.
ANG TAGAPAMAHALA