July 07, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Nagsagawa ng sama samang inspeksiyon ang mga ahensiya ng Romblon Electric Cooperative Inc. (ROMELCO) Romblon Water Districts (RWD) Office of the Municipal Engineering, Rural Health Unit at Lokal na Pamahalaan ng Romblon sa proyektong wind turbine noong July 4, 2018
Nagsagawa ng sama samang inspeksiyon ang mga ahensiya ng Romblon Electric Cooperative Inc. (ROMELCO) Romblon Water Districts (RWD) Office of the Municipal Engineering, Rural Health Unit at Lokal na Pamahalaan ng Romblon sa pangunguna ni Vice Mayor Mart Arthur Silverio sa proyektong wind turbine ng Romelco sa Brgy. Bagacay, Lonos at Agnay Romblon gayundin sa Tuyo Tuyo Reservoir ng Romblon Water District noong July 4, 2018 upang personal na makita ng mga lider ng ahensiya ng munisipyo ang tunay na dahilan sa isyung paglubog ng tubig tuwing tag ulan at mabigyan na din ng agarang solusyon ang problema dito.
Inatasan ng butihing Mayor Mariano Anoy Mateo ng Romblon si Vice Mayor Silverio na pangunahan ang gagawing aksiyon ng sa gayon ay agad na mabigyan ng solusyon ang problema sa tubig. Binigyang diin din ni Vice Mayor Silverio na ang bawat ahensiya ay dapat na tumupad sa responsibilidad na ibibigay sa kanila sakaling may makitang mali at pagkukulang sa mga proyekto nila.
Ang ginawang sabayang inspeksiyon ay upang mahanap ang solusyon sa kinaharap na suliranin at mabigyan din ng karapat dapat na aksiyon ng mga ahensiyang may kinalaman sa usaping ito ang dapat na unahin para sa kapakanan ng nakararami.
Gaya ng pagharap ng Romelco sa mga hamon ng buhay na ibinibigay dito hindi ito kaylaman tatalikud sa mga responsibilidad na itatakda sa kanya kung kinakailangan higit lalo na para sa kapakanan ng serbisyong pampubliko.
ANG TAGAPAMAHALA