July 31, 2018
Sa aming mga minamahal na Miyembro Konsumedores:
PAKSA: Ang brownout noong July 17, 2018 sa Brgy Mapula hanggang Brgy Agpanabat Romblon ay sanhi ng pagbagsak ng puno ng niyog sa linya ng kuryente.
Ang brownout noong July 17, 2018 sa Brgy Mapula hanggang Brgy Agpanabat Romblon na nagsimula ng madaling araw ay sanhi ng pagbagsak ng puno ng niyog sa linya ng kuryente sa Sitio Batiano Mapula Romblon dahil sa lakas ng hangin na dala ng masamang panahon.
Ang mga ganitong sitwasyon ay maaaring maiwasan kung ang ilan nating mga kababayan ay pumapayag na putulin ang mga punong malapit sa linya ng kuryente. Ang serbisyo ng kuryente ay patuloy sana sa operasyon kahit na masama ang panahon basta malinis ang linya at walang mga punong nakadikit dito.
Sa ngayon ay isinasagawa ng mga kawani ng Romblon Electric Cooperative Inc (ROMELCO) ang pagsasaayos ng linya sa pamamagitan ng pagpapalit ng poste upang maibalik ang normal na serbisyo ng kuryente sa mga apektadong barangay.
ANG TAGAPAMAHALA